ABYG kasi ayoko kasama yung friend ng BF ko?

My (25F) and my bf (28M) are planning to move in together soon para di na kami LDR. All good naman na lahat but currently may guy roommate (29M) siya tapos same company din sila nagwwork.

Nakakausap ko naman yung roomie niya from time to time and met him personally. Naopen din sakin ni BF na medyo nagsstruggle financially si roomie niya and nagkautang pa siya kay BF. Tapos recently bumili ng luxury item. Dito ako medyo na-off kay roomie.

Si roomie, may gf din siya and LDR din. Naging medyo close kami ni girl (27F) and nakwento niya na they're planning to move in together in the far future. Then sinabi niya na excited siya na magkasama kaming 4.

So I told my bf about this. Sabi ko, if we are moving in, gusto ko kaming dalawa lang. Uncomfortable kasi din ako na may person na hindi ako gaano kaclose sa living space ko. Nakakaubos din kasi ng social battery ni roomie. He's also hot headed which my BF opened to me before that lead to some issues sa friends and workplace nila. (BF is in a higher position kay roomie sa company)

I made it clear na I have nothing against kay roomie. Di lang ako open to share my space with a person na di pa ako gaano kacomfortable. Takot din ako sa hot headed people due to trauma. Plus, privacy ko din as a woman.

I raised this with him kasi he mentioned before na he is concerned kay roomie kasi maliit lang ipon niya and he can't afford moving to another apartment alone. Need may kasama to shoulder the expenses.

My other concern is if kasama namin si roomie and his gf, baka mahawa kami ng toxicity nila. Halos araw araw kasi sila nagaaway. To the point na naririnig ko through VC yung paninigaw ni roomie kay girl. Tapos si girl biglang magrarant sakin.

My BF said he understands me naman and said he would talk to his roomie. In his point of view, okay din naman daw na may makakasama ako sa apartment para I won't feel alone plus sometimes I need assistance due to my health. He goes on business trips a lot kasi. Tska mabait naman daw si roomie, may attitude lang minsan but sino bang hindi ganon diba. Pero my comfort above everything daw and he's open to move out without his roomie. Kaya he said he'll talk to him about it.

I feel bad lang kasi baka I came off rude or mapagmataas(?). Ayoko naman din maisip ng BF ko or ni roomie na ayaw ko sa kanya or pinaghihiwalay ko silang magkaibigan. I just disagree sa ibang choices niya (may mga ibang shady pa siyang ginagawa na ayoko i-disclose) and di pa naman kami super close. Naging judgmental ba ako or tama lang kasi para sa peace of mind ko naman din yun?

So, ABYG kasi ayoko kasama yung kaibigan niya when we move in together?