Help! Idk what to do now.

Hi! I'm 31F, CPA. I just need your advice kasi wala akong ibang masabihan.

Nagresign kasi ako sa previous job ko 7 months ago. First job ko yun, government sya at tumagal ako dun ng almost 7 years. Nagresign ako dahil sa sobrang dami ng workload. Hindi ko na talaga kinaya. Nagsasabi naman ako sa boss ko pero ang sagot nya lang sakin ay mahirap daw kasing magrequest ng additional staff at "kaya mo yan". Dagdag pa ang frustration dahil halos manual pa rin ang processing ng trabaho. Yung alam mong pwede namang magawa ng mabilis yung task pero dahil sa lack of resources (applications/programs/softwares..), sistema at trainings, napapatagal lalo ang trabaho. 😖

Anyway, I ultimately left because of my health. Ramdam ko talaga ang epekto ng stress sa katawan ko (insomnia, fatigue, premature gray hair, hair loss, hormonal imbalance, anxiety issues and so on) so I decided to take a 3 to 6-month break.

Now, my problem is I don't know what to do next. I feel lethargic. I can't get myself to do anything related to going back to work that's related to our profession. Parang masusuka at maiiyak ako maisip ko pa lang na babalik ulit ako sa ganung stressful environment. Kaya hindi pa ako nakakapagsimula sa pagaapply. I also don't feel confident enough. Feeling ko hindi naman ako magaling, feeling ko hindi ko kakayanin ang bagong work because I'm a quitter. Maisip ko pa lang ang mga interview na pagdadaanan ko, sobrang naiintimidate na ako kasi hindi ko alam kung paano ko ibebenta ang sarili ko sa kanila kasi hindi naman ako magaling at baka madisappoint ko lang sila.

Nagsisisi din ako bakit pinaabot ko pa ng almost 7 stressful years bago ako nagresign. Sana nung malakas lakas pa yung loob ko nung bata pa ko nag job hop na lang ako kagaya ng iba para sana nahanap ko na kung saan ako bagay. Ang dami kasing nagsasabi noon na "sayang naman nasa gobyerno ka na" or "maswerte ka nga kasi dyan may security of tenure" etc. Sana hindi na lang ako nakinig sa kanila. 😢

Para tuloy gusto ko nang magchange career, although alam ko naman na I've only been in one company at hindi naman lahat ng company ay pareho ang dynamics at culture so I'm still willing to give it a chance. But how? I feel lost. 😞

Has anyone been in the same situation? How did you overcome it?

Any advice would be greatly appreciated.

Thank you. 🙏